*Sa kasalukyan habang sinusulat ko to ay may palaka sa taas ng kama ko na double deck. Andun siya sa isa sa mga gamit dun. Kung isa man siyang prinsesa na naghahanap ng halik ng isang prinsipe kagaya ko, umalis na siya kasi may ibang prinsesa na ako matutulog na ako at istorbo lang siya*
Ayun, mga 5 am ako gumising kasi ng maglalaro ako kina Daj ng basketball. Hindi kasi covered court kaya dapat maaga.
Mga 6 am naman andun na ako. Nauna pa ako kay Daj. HIndi makakapunta si Mig kasi mag-aalaga raw siya ng kapatid. Si TJ naman ay di nagreply kung pupunta. Kasama rin ni Daj yung pinsan niya na college rin.
Naglaro kami ng 21, NBA 2K style. Yung pagkatapos ng tatlong free throws ay in-play yung bola tapos kung masho-shoot nung player yung bola, siya uli ang sa free throw. Pag di niya naman naipasok or naagaw, lilipat yung possession.
Ako lagi ang naghahabol, at laging leading si Daj. Basta tanda ko umabot yung score sa 17-10-9. Si Daj yung 17, ako yung 9.
Dahil medyo desperado na ako, sumugal na ako na tumira sa tres, para worth two points ang score ko. Sinuwerte naman. Naka-tres ako. Isang free-throws. Tapos sumala yung pangalawa, kuha ko rebound tapos tres uli.
Sunod ko nang tanda na score ay 18-18-14. Hindi ako sigurado sa 14, at maalin sa 18 or 19 si Daj.
Naka-tres ako. Tapos pumasok yung free throw. Masaya kasi nanalo pa ako. Inspired kasi ako ni Midorima. Sabi nga ni Daj, parang natalo ni Midorima si Aomine. Ako si Midorima kasi puro jump shots, tapos siya namanay puro drive.
Pagkatapos nun, umuwi na ako at nagpahinga.
Pagkagising ko, sabi ng nanay ko napupunta kami ng mall para i-celebrate na ang birthday ko (sa Oct. 7 pa kasi, send your gifts to #45 Bahay ni Jomar, Pogi Street, Batangas, cash is also accepted) Bukas kasi, may pupuntahan na party, tapos sa Lunes naman ay may clinic si mommy. Sa birthday ko naman mismo ay may pasok na ako sa UP.
Kaya ayun, punta kami ng mall. Sinama rin namin ang lola ko. At kung kahapon ay na-miss kong maging bata, ngayon naman ay naisip ko na sulitin ang pagiging binata kasi nakita ko sa lola ko kung ano na ang magiging buhay ko pag matanda na. Gusto ko na sa pagtanda ko, marami rin akong magagandang storya na maikukwento.
Sa Savory kami kumain. Bumili rin ako ng libro ni Ramon Bautista na “Help!!! Ayoko na sa Syota Ko!” kahit wala namana kong syota. Bumili rin ako ng pang-ayos sa katawan. In short, yung pang hygiene.
Pagkatapos nun, umuwi na kami.