Maaga akong gumising dahil sabi ng nanay ko kagabi, may pupuntahan pa raw na kainan dahil imbitado tatay ko, at isasama ata ako.
Ayun, ang sarap ng tulog ko sa bus. Pinakamasarap na tulog ko na yata sa bus yun.
Pagdating ko sa bahay kumain muna ako. Syempre, first topic agad yung nawala kong cellphone. Konting sermon lang sa tatay ko, pero ayos na naman.
Nagsampay din ako ng mga damit. Tapos, pagkadating ng mga magulang ko sa bahay ng lola ko, pumunta na kami dun sa kainan. Birthday pala kasi nung dating kaklase ng tatay ko.
As usual, ako na naman magisa ang teenager dun. Buti na lang dala ko tab ko, at dahil sayang free time, nagbasa ako ng Global Politics.
Fried chicken at ice cream lang kinain ko.
At uli, tinanong kung saan ako pumapasok. Na kapag sinagot ko yung paaralan ko, sasabihin nila na ang talino ko naman. Sunod itatanong ang course ko. Na kapag sinagot ko naman ay sasabihin na mag-aabogado ako.
Pero buti naman at di tinanong kung may girlfriend na ako. Saka pasok din sakin yung stereotype na mag-aabogado.
Pero hindi naman ako matalino.
Nauna na kaming umalis ng nanay ko.